"BUILDING MARINDUQUE'S TOMORROW, TODAY"

Life is so simple as it can be compared to nature. Awesome, full of inspirations at higit sa lahat, sagana sa likas na biyayang handog ng Lumikha para sa ating lahat.

Kung atin lang lilimiing mabuti lalo na sa ating pag-iisa at kapiling natin ang alinmang kalikasan tulad ng dalampasigan, kabukiran, kabundukan, ilog, lawa, kagubatan at ang kagandahan ng kalangitan sa gabing tahimik (na ang pumupukaw sa ating kamalayan ay ang kislap ng nagniningning na mga bituin at mabilis na pagguhit sa kalawakan ng mga shooting stars) I guess you will agree with me, that if we really want peace of mind - ito'y ating tuwirang makakamtan kung mapapagtuunan lang natin nang pansin ang alinmang uri ng kalikasang nabanggit.

Kung baga, ang ating buhay ay payak, matahimik at puno nang pag-asa kaya lang, hindi natin maiiwasan ang anumang tawag ng problemang pang-pinansiyal, pangkalusugan at iba pang mai-aagapay natin dito.

Kadalasan, karamihan sa ating mga nilikha ang mismong pinagmumulan ng mga simpleng suliranin na dulot ng kasakiman, panglalamang sa kapwa o ugaling makasarili, na kapag hindi nabigyang kalutasan ay humahantong sa higit pang malaking suliranin na nagsisilbing salot na lumulukob sa ating pagkatao.

Saan mang dako ng mundo, totoong hindi maiiwasan ang kahirahang dulot ng pagdarahop at kawalan nang sapat na suporta sa mga mamamayan buhat sa pamahalaang kinauukulan.

Ang ating bansa ay hindi naipupuwera sa usaping ito kaya, tayong mga maliliit na mamamayan ay totoo at patuloy na nasasadlak sa higit pang kahirapan nang buhay.

Somehow, it doesn't mean that it is already the end of our road. Kung tutuusin, ang landas na ating maaaring tahakin ay nasa kabila lang ng mga balakid na ating nadadaanan o nasasalunga sa patuloy nating paglalakabay sa dako pa roon ng buhay.

We are much concerned sa ating probinsiyang kay-ganda bagamat ito'y naituturing na isang isla.
Marinduque is like a pearl in our achipelago composed of more than 7,100 islands and we, Marinduqueños are very keen in protecting and/or safeguarding its welfare.

And this is the ultimate reason why we ought to discuss this subject matter in this part of the Forum. What do we think are the best things we could do and cooperate in support of "BUILDING MARINDUQUE'S TOMORROW, TODAY"?

Kung meron man kayong mga mabubuting topics na inaakala ninyong makakapag-contribute para sa higit pang ikabubuti at ikauunlad ng ating mahal na probinsiya, I think this is the right & appropriate time upang ito'y ating mapag-usapan sa pamamagitan ng Forum na ito.

We welcome your good ideas and -please lang- huwag nating haluan ng hindi karapat-dapat o hindi angkop na lengguwahe, intuition o kaisipan ang mabubuting hangarin ng iba nating mga concerned na kababayan (Marinduqueños) na makatulong sa pagpapaunlad ng ating mga kanayunan, mga pamayanan at probinsiya in particular.

Let's be all responsible people in dealing on how we could help, contribute for the benefits of our people and welfare of our province as a whole.

Let's join hands and establish further camaraderie and cooperation alang-alang sa ating mahal na probinsiya at huwag nating sayangin ang ating mahalagang panahon at pagkakataon sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga walang kabuluhang topics na maaaring maka-sagabal sa tunay na hangarin sa pagtatatag ng Forum na ito.

We, Marinduqueños are considered very responsible and respectable people. As such, we should set ourselves as good examples or models for others to follow. This Forum aims for achieving prosperity and good life for all Marinduquenos. Let's come forward and share our good views and ideas for the upliftment of our values and objectives in life.

TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
Riyadh, Saudi Arabia
08 March 2009 / 11 Rabi'I 1430 H

| edit post
Reactions: 
0 Responses

Post a Comment