"OUR WAY OF LIFE"
Kahit saan natin sipatin ang paglipas ng mga araw, iisa lang ang nagiging resulta nang lahat - ang patuloy na pananalasa ng kahirapan nang buhay sa kasalukuyan. Hirap na nga dati, lalo pa ngayong humihirap at walang sinuman sa atin ang makakapagsabing sila ay hindi apektado nang pagbagsak ng pandaigdigang ekonomiya.
Ang devastating worldwide economic meltdown ay walang sinasanto at lalong wala din itong pakialaman kung sino at ano ang maaaring tamaan. "KUNG PAPAANO NAGSIMULA ANG GLOBAL ECONOMIC CRISIS NA ITO'Y MAHABANG SALAYSAYIN AND WHOEVER KNOWS THE MAIN REASON, SILA NA LANG ANG BAHALANG MAGPALIWANAG SA MGA HINDI LUBOS NA NAKAKAUNAWA SA BAGAY NA ITO!"
The bottom line here is that, everybody, big or small, rich or poor continuously suffer from this very dire situation and nobody knows, kung kailan at sa anong pamamaraan ito maaaring malutas. The economies of the most affluent and most industrialized countries were down (USA, whole of Europe, Japan, China) name it all. How much more kaya ang Pilipinas na dati nang aandap-andap ang ekonomiya at nakukulapulan pa nang sangkatutak na uri ng corruptions.
Honestly, kung tayong mga Filipinos ay hindi magkakaisa sa mabuting hangarin para sa ating bansa, we will soon go down the drain or we will be eaten by the stray dogs (mga bang-aw). And I guess no one will as well ever accept to himself/herself that he/she is aboard a sinking ship where kung lumubog na nga (like Titanic) tiyak na magpipiyesta ang mga pating! Meaning, there will be a chaotic situation at ang magiging laban ay matira ang matibay, ngipin sa ngipin (kawawa na ang mga bungi).
There will be no chance for an orderly situation at ang mga suwapang sa ating pamahalaan, mga sugapa sa corruptions, mga mapagsamantala sa mga mahihirap na mamamayan - they will have their own fate too. Bahala na ang Diyos sa kanilang lahat (ipagpasa-Diyos na lang natin sila) gayundin ang kanilang mga pamilya at kaanak. Thus, nobody knows kung kailan babagsak ang lupit ng langit and nobody can expect kung may mahuhulog na meteorites at silang lahat ay isa-isang mabagsakan.
I guess, I'm not the only one who's getting furious about what's been happening sa ating bansa sa kasalukuyan, na sa halip na guminhawa ang buhay ng mga mamamayan, lalo pa nila itong ibinabaon sa ibayong kahirapan. Who will ever like this kind of situation? Matutuwa ba kayong sa halip na ang unahin nila ay ang kapakanan ng mga naghihirap na mamamayan eh pulitika na kaagad ang walang humpay nilang pinag-uusapan? Saan manggagaling ang kanilang napabalitang pundong gagamitin? There is an stimulus plan daw na P330 billion pesos at saan naman nila ito huhugutin at papaano nila ito gagamitin, para ba ito sa mga mahihirap o ilalaan nila ito para sa kani-kanilang mga bulsa (kandidatura)? I have nothing further to say, Your Honor! Beware kayong mga katulad kong member ng SSS, may humahaging na ang pondo ng mga ordinaryong manggagawa (SSS Funds) ay nami-milegrong mapaki-alaman. Are you in favor of this mess? If not, what else can you do?
KAHIT SINO PANG PONCIO PILATO ANG MAGING PRESIDENTE NG PILIPINAS, LALAKI MAN O BABAE OR EVEN THE THIRD KIND - OUR COUNTRY WILL NOT CHANGE FOR THE BETTER KUNG TAYONG MGA MAMAMAYAN AY PATULOY NA MAGIGING KABAHAGI SA MGA UMIIRAL NA HINDI MABUBUTING PATAKARAN (corruptions, etc).
Subsequently, come to think of our country's Past Presidents to the Incumbent. Try to compare the lives of our citizens simula pa noong tayo'y maging isang bansang Commonwealth or Republic - magmula sa Presidenteng binansagang may gintong orinola / arinola, hanggang sa kasalukuyang administrasyon.
Anu-ano ang inyong mga napuna o napupunang pagbabago tungo sa higit na ikabubuti nating mga Filipinos o ng ating bansa sa kabuuhan, meron ba? Kung ang sasabihin ng iba sa inyo'y merong pag-unlad na masa-sabi, I can just say my personal opinion "that you better open your eyes widely, linisin ang inyong mga tenga (dahil baka may nakabara) at tanggalan ninyo ng piring ang inyong mga mata upang makita ninyo nang buong kaliwanagan, at alisan din ninyo ng busal ang inyong mga bibig upang maibulalas ninyo nang buong tapang ang katotonanang ang ating bansa ay hindi umuunlad sa halip, lalo pa itong lumulubog sa kumunoy ng kahirapan.
If you could only recall during the previous decades - ang Pilipinas ay isa sa mga mauunlad na bansa sa Asia o sa ating region (ASEAN). Ang mga bansang Thailand, Cambodia, Laos, Vietnam, etc., ay walang panama sa atin, kung ang agriculture o pagpo-produce ng pagkain (rice in particular) ang pag-uusapan. Sa madali't sabi, sa ating bansa itinayo ang International Rice Institute (IRRI in Laguna) na siyang higit na nagpapaunlad sa produksiyon ng bigas.
Inggit na inggit sa atin ang mga kalapit o karatig-bansa natin sa ASEAN dahil we, sa mga panahong iyon ay tunay na nagsasagana sa bigas at naging sobra-sobra pa nga (surplus) sa ating mga pangangailangan.
That was the main reason kung bakit ang mga pamahalaan ng bansang Thailand, Vietnam, Cambodia, Laos, etc., at nagpadala ng kanilang mga mag-aaral upang sa Pilipinas mag-aral ng Agriculture. Samakatuwid, nakatapos ang mga nasabing mag-aaral at ang kanilang mga natutunan ay sininop at sinuportahan ng kani-kanilang pamahalaan upang maging foundation ng kanilang planned agricultural developments to the point na nahigitan pa nga nila ang ating bansa sa produksiyon ng bigas.
What is now the status of the countries mentioned with regards to their Food Production Program compare to the place (Philippines) where they got their education, knowledge and/or trainings?
SILA NGAYON ANG MGA BANSANG NAG-E-EXPORT NG MILYONG MILYONG TONELADA NG BIGAS SA BUONG MUNDO! And where is the Philippines? Tayo o ang ating dating pamamayagpag sa pag-produce ng bigas ay unti-unting lumubog hanggang tayo na mismong mga Filipinos ang "NAGING SALAT O NAGKA-PROBLEMA SA BIGAS" at tila tayo mga pulubing nakikiusap sa mga nasabing bansa na tayo'y bahaginan ng ating bigas na mai-stock (buffer stock) upang hindi kapusin sa mga pamilihan.
WHAT A SHOCKING SHAME TO OUR GOVERNMENT PARTICULARLY TO THE DEPARTMENT OF AGRICULTURE NA SIYANG MAY DIRECT AUTHORITY SA BAGAY NA ITO! I'm not getting particular with any person or group of persons dahil may mga public servants naman tayong maayos at sincere sa kanilang paglilingkod kaya lang, they are being over-shadowed by their Superiors (higher officials) who are very irresponsible and damn corrupt. Magbago na kayo dahil kung hindi, kahit kayo'y nagsasagana, mamamatay din kayong dilat ang mga mata dahil kayo'y nagbubulag-bulagan sa tawag ng katotohanan! Mirese sa inyo!
Presently, the Fertilizer Scam's litigation that involved ex-DA Undersecretary Jocjoc Bolante is still under way at the Senate as well as the Quedancor lending matters kung saan ang mga matataas na pinuno o opisyal mismo ang pinaka-ugat ng anomalya sa pagpapautang ng pera. Sino ba naman ang matutuwa sa bagay na ito? Sa Quedancor, humiram ka ng konting amount, padadaanin ka sa maliit na butas ng karayon, pero ang mga corrupt officials nila, sila mismo ang gumagamit ng mga dummies, ie: business partners or identities for them to take up to hundreds of millions amount of loans.
Is this the kind of true democracy na kinabibilangan ng ating bansa? Anong klaseng demokrasya ang kanilang pinagsasabi? Is this the government they claim is for the people & by the people or is this the government of the corrupt elites and irresponsible government officials and their cohorts? Pick your own choice!
Hindi man natin ipangalandakan, marami tayong mga mamamayang nagpapakahirap at patuloy na nagsisikap para makatulong sa ating pamahalaan particularly the more or less ten million OFWs. Pero kapag kami na ang humihingi ng tulong para makapagpundar ng anumang adhikaing mapapagkakitaan o di kaya'y masuportahan ang nai-established nang mga livelihood projects, maraming cheche-bureche ang ating pamahalaan. Wala silang pakialam kung meron man, sangkatutak ang red-tapes at kadalasan ay hindi naa-aprobahan ang anumang request. Batu-bato sa langit ang tamaan ay tunay na mga pangit (sa pag-uugali, pangloob man o panglabas as they are devilish individuals).
Sila ay ang mga maituturing na TAMPALASAN (biblical) bulaan o napakarami sa kanila ang mga sinungaling. Tamaan sana sila ng naglalagablab na kidlat sapagkat wala silang karapatang mabuhay pa sa mundong ito, NOTHING OR NO CHANCE AT ALL FOR THEM TO CONTINUE THEIR EXISTENCE. They better evaporate or mapasama sila sa lethal effect ng global warming and climate change!
Sa kabilang banda, perhaps ang iniisip nila'y wala namang nakakakita sa kanila. If they are really true Christians, they should have known na may ISANG higit na nakakaalam nang anumang iniisip, ginagawa o nararamdaman nating mga nilikha and HE IS THE ALMIGHTY!
DIYOS NA ANG BAHALA SA MGA CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS NG ATING BANSA WHEREVER THEY ARE AND WHOEVER THEY ARE! SURELY, THEY WILL BE JUDGED ACCORDING TO THEIR OWN DEEDS & SOON THEY'LL REACH THE END OF THEIR JOURNEY IN LIFE! Ang masamang damo'y kusang napupugnaw kasama sa paglipas ng panahon! Tunay na ang kakapal ng kanilang mga mukha, wala silang awa sa mga mahihirap na higit pang naghihirap araw-araw dahil inuuna pa nila ang mga pansarili nilang corruptions kaysa sa kapakanan ng mga nagugutom nating mga mamamayan / kababayan.
I just hope that after you read this article, you're still in fine health and I don't want anyone of you na matulad sa aking tumataas ang blood/pressure whenever I touch or discuss a topic like this. Hindi ko talaga maiwasan dahil kahit ako'y isang ordinaryong mamamayan lang, ang aking hangarin ay ang makatulong sa ating pamayanan. Hindi ko maaako ang buong Pilipinas, sa ating mga kanayunan lang eh kulang pa ang ating pagtutulungan kung tutuusin. Kaya, let's make Marinduque a better place to live. Sariling buntot natin, pagtulungan nating hilahin!
Magtulungan tayo tungo sa ikauunlad ng sarili nating probinsiya. We may not have that mighty voice to shout-out-loud our accummulated sentiments, pero may mga magagawa tayong pagbabago gaano man ito kaliit tungo sa ating ikauunlad, and it will depend on how we will cooperate with each other.
Let's take time for awhile and think or reflect of the possible solution/s how small it would be na maaari nating mapag-usapan at gawing basehan kung ito ba'y feasible at makapagbibigay ng kabutihan, karagdagang kita or maging additional source ng kabuhayan ng ating mga mamamayan.
Of course, we Marinduquenos love our province very much, pero hindi sapat ang tayo'y magmahal lang sa salita. Kailangang ito'y ating mapatunayan sa pamamagitan ng gawa. One step after the other will enable us to reach a distance farther than we might have expected. So, kailan kaya tayo maaaring makakapagsimulang humakbang?
MABUHAY ANG MARINDUQUE at MABUHAY DIN TAYONG MGA MARINDUQUEÑOS!
TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
02 February 2009 / 07 Safar 1430 H




Post a Comment