"TRULY, THE TIME HAS COME"

As we continually endeavor to facing the harsh realities of our everyday living, we Marinduquenos (Filipinos) must oblige ourselves and be more specific in our hopes, our visions as well as in embracing the call of unity amongst us towards our citizen's and province's development alike.

Hindi kasi maiwasan ng iba sa ating mga mamamayan ang magsawalang-bahala na lang kapag ang pangkalahatang tungkulin o pagmamalasakit na ang napapag-usapan. They are being reluctant to cooperate dulot ng maraming kadahilanan. Kaya kahit anong mungkahi ang isulong ng ating mga kinauukulan, wala ding nangyayari. Kung meron man, ito'y naihahanlintulad lang sa "ningas-cogon".

When shall our people learn to be more dedicated in the pursuit of our countryside development?

For many generations, kung ano ang kanilang kinamulatan, iyon na lang ang kanilang pinagtutunan nang pansin o attention. Halimbawa, ang mga naninirahan sa malapit sa tabing-dagat, they just focus their time and effort sa biyayang dagat (ordinary way of fishing). At ang mga nagbubukid naman, halos karamihan sa kanila'y sa pagtatanim na lang ng palay nakatuon ang panahon na kung tag-tuyot at walang irrigation sa lupa nilang sinasaka, tulad ng tuyong kabukiran, sila man ay nakatiwangwang lang.

Samantala, kung bibigyan lang nila ng pagkakataon ang kanilang mga sarili, there are a lot of very simple support projects na maaaring makapagbigay sa kanila ng additional income sakalit magkaroon ng problema sa kanilang prime livelihoods.

Sa mga mangingisda, kapag masama ang panahon at malalaki ang alon, kadalasan ito'y umaabot ng isang linggo o mahigit pa bago sila muling makapalaot. Ibig sabihin, wala silang income o kita sa mga panahong hindi sila nakakapangisda diba? Nakakapanghinayang ang lumilipas na pagkakataong hindi nila nabibigyan nang karampatang aksiyon.

Sa mga magsasaka naman, habang sila'y naghihintay na huminog ang palay o panahon ng pag-aani, bakante sila ng ilang buwan dahil ang inaatupag nila'y ang pag-aasikaso ng kanilang mga itinamin na palay.

At gayundin ang mga umaasa sa pagko-kopras, halos isang taong singkad o mahigit pa, bago sila muling makapag-ani ng mabuting bunga kapag may malakas na bagyong manalasa at puminsala sa kanilang mga punong niyog (niyugan).

Ganyan ka-simple ang kalagayan ng ating mga mamamayan sa Marinduque. Karamihan sa kanila'y umaasa lang sa dati nilang pinagkakakitaan. Ang siste, kung nagkaroon nang aberya, patung-patong ang kanilang nagiging problema. Hindi sila magkandaugaga sa pag-iisip kung saan sila kukuha ng maitutustos sa araw-araw na pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya lalo na't may mga anak na nagsisipag-aral.

The situation is overwhelming! Maliwanag na nakamulagat sa atin ang katotohanan o nangyayari. Dapat ba tayong magsawalang-kibo na lang at hayaang lalo pang lumala ang ating kalagayan?

If there is a will, definitely, there is a way? So, bakit hindi natin gawin ang nararapat at siguradong makakatulong sa atin sa oras ng ating mga pangangailangan o kagipitan (in the event of various calamities & its further devastation?).

Somehow, I don't believe that there are no motivations being made by our local authorities. Isa pa, kung meron man, dapat ay patuloy nila itong tututukan hanggang sa magkarron ito nang magandang resulta, and it should not end just there. Dapat ay maging isang routinary cycle ang procedure. Hindi iyong makatapos kumita eh bale-wala nang muli ang sinimulang adhikain dahil nagastos na ang kanilang kinita (kadalasan eh kulang pa nga) at wala na ulit puhunang magagamit. When shall this trend ends?

Usually, ganito ang nangyayari sa ating mga kanayuan at ang isang pangunahing dahilan dito ay ang kakulangan ng kapital o perang magagamit sa buong panahon nang pagsasakatuparan ng anumang proyekto.

Sa aking mga naunang sanaysay tungkol sa pagkakaroon ng maliit na proyektong pangkabuhayan, kung inyong matatandaan, ang pag-aalaga ng ilang hayop (manok, bibi, itik, baboy) na makakapag-bigay ng karagdagang kita sa isang pamilya, gayundin ang pagtatanim ng mga halamang gulay, prutas at mga punung-ugat (kamoteng kahoy, uraro, kamote, ubi, atbp).

Ang mga nabanggit ay simpleng adhikain at hindi nangangailangan ng malaking halaga. Sipag at tiyaga lang ang higit na puhunan sa mga adhikaing ito na sa paglipas ng konting panahon, makakamit na nila ang biyaya ng kanilang pinagpagurang proyekto.

Kung talagang walang magagastos sa pagbili ng mga binhi ng gulay, mayroon tayong Opisina ng Department of Agriculture sa bawat bayan ng ating probinsiya, doon maaari kayong humingi ng tulong tungkol sa mga binhi (look for Mrs. Luz Padernal, Provincial Agriculturist) gayundin sa animal dispersal program ng kagawaran (inquire from Ret. Gen. Recaredo Sarmiento, DA Provincial Consultant).

Mayroon din tayong mga koopertiba na maaaring makatulong sa fattening program ng mga hayup tulad ng baboy. I would suggest na kanilang sadyain ang Opisina ng Cooperative Development Authority sa pamumuno ni CDA OIC Edil Sager sa ating Kapitolyo at doon mag-inquire tungkol sa mga kooperatibang nagpapatupad ng ganitong mga proyekto.

Maaari ding makipagtalastasan o mag-inquire ang ating mga mamayang interesado magtayo ng kahit gaano kaliit na proyektong pangkabuhayan sa opisina ng ating Department of Trade and Industry (DTI) sa bayan ng Boac at makipagtalastasan kay butihing Director Carling Fabalena o kay Mrs. Mariden Calub and/or other DTI Staff.

Tungkol naman sa anumang teknolohiya, maaari kayong magsadya sa opisina ng Department of Science and Technology (DOST) and Techology Livelihood Resource Center (TLRC) na pinamumunuan ni OIC Bernie Caringal na matatagpuan sa Provincial Capitol compound.

Tayong mga Marinduquenos ay likas na masisikap at masisipag. Napapanahon na marahil upang ibulalas natin sa pamamagitan ng ating kooperasyon, pagkukusa at pagsisimulang mabago ang takbo ng ating lumalalang sitwasyon sa kabuhayan.

"TRULY, THE TIME HAS COME" for us to make-up our minds and proceed to whatever we think will generate employment and in providing extra income to our citizens. After all, ang ating mga mamamayan at lalawigan ang pangunahing makikinabang sa bagay na ito.

The change we wish to achieve depends on ourselves. Kung papaano tayomagsisimula upang mabago angnais natign mabago. And hopefully, such change would be for the better, even for the best and not the other way round!

Kung may ibayong pagsisipag at pagtitiyaga, tiyak na may tatamuhing nilaga!

Masarap ang anumang gulay o ulam na nilaga kapag ito'y nilagyan ng luya, dahong ng malunggay, sibuyas o sili, saka aasiman ng konting kalamansi (lalo na kung sariwa ang isda). Kay-sarap humigop ng mainit na sabaw diba?

TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
21 January 2009 / 24 Muharram 1430 H

| edit post
Reactions: 
0 Responses

Post a Comment