"POINT OF VIEW"

Life has to go on whatever it takes at hindi tayo dapat mawawalan nang pag-asa. Where there is life - there is hope, where there is hope - there is an inspiring existence. Huwag nating husgahan ang ating mga sarili dahilan lang sa ating mga naging kamalian o mga nagawang pagkukulang. There's always room for improvement. Ang ating pag-uugali'y nababago depende sa ating pagkukusa at pagnanasang tayo'y mapabuti at maging kaiga-igaya sa paningin ng Diyos, maging ng ating kapwa. Sila ang nakakakita ng ating buong kaanyuang panglabas, maging ng ating kalooban sa pamamagitan ng ating mga salitang binibitiwan at paggawa o paggalaw.

Tunay ngang makabuluhan ang buhay. Kung tayo man ay nabibigo o nalulungkot sa dahilang may mga bagay na nakapagdulot sa atin ng kasiphayuan, we should always look at the bright side of life. It's like, "sa pagdatal ng dilim, ang liwanag ay sasapit din". Life evolves by itself at ang ating pagkatao or existence ay kasangkapan lang ng ating buhay to further give meaning to it, sa nais nating maging.

We must value life gaano man kahirap ang ating nararanasan sa kasalukuyan. Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng mga problemang hindi natin makakayang lutasin. Problems are just spices of life. Of course, dito natin magagamit ang sarili nating pagpapasiya o determinasyon kung papaano natin mapaglalabanan ang anumang hibo ng pagkakasala, maging ang kahirapang humaharang o nakabalandra sa ating dinaraanan sa pagpupursiging makabangon mula sa lusak ng pagdurusa.

Kung baga, mula sa ating kamusmusan hanggang sa tayo'y ganap na magkaisip, namulat tayo sa katotohanan o kasabihang "Smile, God Loves You". Sa totoo lang, hindi tayo gagasta kahit isang kusing should we smile to other people kahit na sa ating kaaway. It signifies our good intention of life na sa kaibuturan ng ating puso, despite the wrongdoings of other people against us, we still value our best imbedded in us.

Just imagine the world filled with love and happiness against the world full of sorrows and disappointments. Alin ang ating pipiliin upang tuntunin sa ating mga sarili? Ang tayo ba'y magdalamhati na lang at ipagluksa ang ating mga nagiging kabiguan? I think it's a lot of nonsense. We only exist in this universe temporarily. Meaning, everything in us will come to cease. Bakit hindi natin gawin ang mga makabuluhang bagay na makakatulong sa atin maging sa ating kapwa upang tayo'y maging masaya at samantalahin ang pagkakataong tayo'y nabubuhay, diba?

Sa totoo lang, lahat tayo'y may kanya-kanyang mga karapatan at tungkuling dapat gampanan sa ating buhay, una na sa ating mga pamilya at pangalawa sa ating kapwa.

On the otherhand, it won't look good naman kung ang ating sariling pamilya ay ating napapabayaan at ang inaatupag o binibigyan natin ng pangunahing attention ay ang ibang tao. Charity begins at home 'ika nga. Kung may pagdarahop, we must be sure na mabigyan natin nang ating utmost concern ang ating pamilya. May mga kaparaanan naman upang ang ating kapwa ay mapagtuunan din natin nang pansin.

Ang buod ng "Alay-Kapwa" ay huwag din nating kakaligtaan sapagkat ito ay ating basehan sa pagkakaroon ng "Dakilang Pag-ibig" sa ating Lumikha, sa ating sarili at maging sa ating kapwa.

We have everything with us kung ang "POINT OF VIEW" ang pag-uusapan. We have the right to speak diligently, we have the freedom to act accordingly and, we have the ultimate privilege to show our humble self, for the world to know, who really we are.

TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
25 January 2009 / 28 Muharram 1430 H

| edit post
Reactions: 
0 Responses

Post a Comment