"NO MATTER WHAT"
Sa kasalukuyang kalagayan ng ating probinsiya at bansa, ang mga mahihirap ay lalo pang naghihirap at tila napapagod na sa kanilang pakikibaka sa buhay. However, we can't just stop our journey to wherever we are. Life has to go on even we have to overcome or pass a lot of bumps, thorny roads and stumbling blocks. We Filipinos (Marinduquenos) should not give-up our hope, hope for the better or even hope for what is best for ourselves.
Lakasan lang nang loob ang pakikibaka natin sa buhay, take for instance the various creatures na tayong mga tao'y higit na nakakalamang sa katangian.
Napagmasdan na ba nating mabuti ang mga ibon, gaano man sila kalilit tulad ng pipit, maya at iba pa? Wala silang mga kamay and despite their miniature sizes, may mga nagagawa sila (maliban pa sa paglipad) na hindi kayang gawin nating mga tao. For instance, ang kanilang mga pugad na iba't-ibang klase at hugis ay buhat sa kanilang katalinuhang ibinigay ng Lumikha.
Such is a very simple but wonderful thing! Sa pamamagitan lang ng kanilang tuka at mga paa, nakakagawa sila ng napakagagandang pugad na kanilang pansamantalang tirahan habang sila'y nasa panahon nang pangingitlog at pagpipisa (incubation). After that at ang kanilang mga inakay ay magkabagwis, they will fly away and live their lives in the simplest manner they can thus, we see the birds are always happy enjoying their existence.
Kung ating ikukumpara ang kasalukuyang buhay nating mga mahihirap sa mga maliliit at ordinaryong nilikha ng Diyos, dito natin matuturol na ang ating katalinuhang taglay kung baga ay may kahalintulad ding katalinuhan ng mga ibon, mga insekto at iba pa although, it differs naturally.
Kadalasan nga'y naihahambing din natin ang ating sarili sa mga langgam sanhi nang ating walang humpay o patid na pagsisikap upang tayo'y may makain sa araw-araw. At kung hindi rin tayo kakahig (magtatrabaho nang husto) tulad ng mga manok hindi tayo tutuka (kakain) dahil salat tayo sa matatawag na kayamanang maaaring makapag-angat sa atin mula sa hirap nating kalagayan.
Totoong nasa pagsisikap nakasalalay ang ikabubuti o ikasasama nating mga tao. Sa ganitong sitwasyon, hindi maiiwasan ang mga taong kadalasa'y sinisisi ang anumang pagkakataon. At ito'y naidudulot nang kanilang kabiguang kinahihinatnan despite their enormous efforts and hardwork na mapabuti ang kanilang katayuan sa buhay. Gustuhin man nilang sumuko, hindi nila magawa dahil may mga mahal sila sa buhay na nakadepende sa kanilang suporta and they have no other choice but to carry on the burden in their journey.
On the other hand, hindi naman ito nangangahulugang kailangang tayo'y magsa-ibon o magsa-langgam upang malaman natin ang kanilang sinasabi (ang mga langgam kapag sila'y nagkakasalubong ay tila nagbubulungan at ang mga ibon nama'y umaawit nang magagandang himig).
Tayong mga tao (human beings) despite our differences in color, language, religion or creed, customs and traditions, environment, etc., ay itinakda ng Diyos na mas o nakakahigit ang katalinuhang taglay kaysa iba pa Niyang mga nilikha.
Ibig sabihin, kung tayo'y nagkakaroon ng mga suliranin, maiisip nating binigyan tayo nang sapat na isip at katalinuhan ng Diyos upang ito'y ating magamit sa paglutas o pagbata ng ating problema diba?
Kung ang mga ibon ay nagagalak o nag-e-enjoy, malayang lumilipad at umaawit to satisfy their want at ang mga langgam ay tila walang kapaguran sa kanilang pag-iipon ng makakain para sa panahon nang tag-ulan - tayo pa kayang mga tao ang hindi makaisip ng mga pamamaraan upang ma-resolba natin ang ating hirap na kalagayan?
In this case, I'm sure that no one shall ever think or say na mas matalino pa sa atin ang mga ibon o mga langgam diba?
Definitely, we can never hear birds complaining, gayundin ang mga langgam kung hirap silang makahanap ng maitatagong pagkain. Pero tayong mga tao, mahilig tayong magreklamo, mahilig tayong umangas lalo na kapag hindi natin gusto ang isang bagay diba?
And this big difference is being attributed to our being humans: matalino nga, mareklamo naman!
Siguro'y napapangiti na lang kayo sa inyong sarili, I'm sure of that! Come to think of what I have said, hindi ba't totoo itong maituturing?
Kaya, "NO MATTER WHAT" our situation is, our life is, our vision for the future - iisa lang ang tanging kinahahantungan nito. We have to strive hard, work even harder and make a living out of it!
Moreover, we must be at peace with ourselves, as well as with other people, but FIRST AND FOREMOST, WITH GOD!
TONY R. MONTERAS (malking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
20 January 2009 / 23 Muharram 1430 H




Post a Comment