Mga Salitang Marinduqueño
1 A-ay, p. – hindi o ayaw (pagtutol)
2 Ag-agan, n. – ginagamit sa pagpino ng buhangin (o arina)
3 Agay-ay, n. – pulbos galing sa nasisirang kahoy
4 Aging-ing, n. – mahinang tunog lalo na pag daplis sa tenga
5 Agipo, n. – tira ng pinagsunugan
6 Agiyak, n. – iyak ng manok kadalasan ay sisiw; siyap
7 Agnanay, a. – banayad o mahina lamang
8 Agod, n. – mga sari-saring bagay na nakalutang sa baha o `debris'
9 Agumod, n. – tunog ng hayop na kadalasan ay mababa ang tono
10 Aguntok, n. – daing ng sakit
11 Agutiot, n. – tunog na paulit-ulit (high-pitched) at nakakairita
12 Agwanta, n. – teka muna; katumbas ng `timeout' sa Ingles
13 Albok, a. – pinaikling salitang `alabok' o `alikabok'
14 Alboroto, n. - reklamo
15 Alibutod, n. – buto o pinakaloob; tira ng pinagkainan ng mais
16 Alimbuyugin, n. – uri ng manok na sasabungin
17 Alimuranin, n. – isang uri ng ahas
18 Alipato, n. – mga nililipad ng hangin mula sa pinagsunugan
19 Aluhipan, n. – alupihan o `centipede' sa Ingles
20 Amarigoso, n. – ampalaya, isang uri ng gulay
21 Ampiyas, n. – mahinang ulan kadalasan nadadala ng hangin
22 A-mu, n. – unggoy
23 Amusin, a. – may dumi sa mukha
24 Angus, v. – nasusunog na niluto kadalasan sinasaing na kanin
25 Anos, n. – isang uri ng kawayang ginagawang sulo at ginagamit na pang-
26 Antipo, n. – mga nagpepenitensiya tuwing Mahal na araw
27 Atampoyongin-sasampalin, sasaktan pamamagitan ng kamay
28 Atip, n. – bubong kadalasan ay gawa sa pawid
29 Bagakay -- nabibilang sa mga uri ng kawayan, magandang pangdingding ng bahay
30 Balinghoy - kamotengkahoy
31 Batang -- sakbit-sakbit ng mangangarit, gawa sa kawayan na lipatan ng tuba
32 Bau - pagong
33 Bila-bila - paruparo
34 Bingi - (matigas na buko)
35 Binusaan - pinagalitan
36 Bulaan - sinungaling
37 Bulasa - isang uri ng pipino na kulay dilaw
38 Burot -- mayabo kapag nilaga
39 Butot -- maliit na hipon
40 Gapat - safety pin
41 Hagikhik - dahon ng isang tanim na ginagamit sa pagbalot ng suman
42 Hampok - bulok(isda)
43 Igat -- isang uri ng isda sa ilog na parang ahas (madulas)
44 Ikat- malandi
45 Iri/idi -- pagtukoy sa isang bagay
46 Kabat -lock
47 Balinghoy - kamotengkahoy
48 Katang - alimango
49 Kibal - sitaw(stringbeans)
50 Kitse - tansan
51 Langis - mantika o coconut oil
52 Lastiko - goma(rubberband)
53 Lomboy - duhat
54 Luos - sirang niyog
55 Mapalot - mapanghi
56 Mayabo - masarap
57 Mura- buko
58 Nabalis - pagsusuka dahil nakakita ng taong may balis
59 Nagapambis - namimingwit
60 Nagatangis - umiiyak
61 Nagatasik-tasik - umaambon
62 Nagbulid - natumba
63 Nami - nayadyad muna tapos babad sa ilog ng 1 hanggang 3 araw bago iluto
64 Niyubak - nilupak
65 Palapa - dahon ng niyog
66 Palapatik(paltik) - tirador
67 Pampalas - nailcutter
68 Parna ngani- halika nga
69 patungkol sa protesta o hindi pagsang-ayon
70 Pitik -- laro na ang gamit ay lastiko
71 sa mata ng balang
72 Sabilid - balimbing
73 Saga-saga -- matigas na uri ng but-o na kulay pula na may kunting itim
74 Saklab - gamot sa nanuno o na-anayo
75 Saklab -- paggamot sa may sakit
76 Sinugno -- ginayat-gayat na hilaw na saging tapos agat-an (eto ang madalas
77 Sugba -- ilagay sa baga
78 Sulirap -- dahon ng niyog na nagawang bubong ng bahay
79 Sumigarok - halos tulad ng tumikangkang
80 Sumpit -- isang uri ng laruan (dulo ng bagakay) pero dilikado kapag natamaan ka
81 Supli - barya
82 Tabuan - igiban
83 Tain -- panghuli ng katang at hipon sa ilog
84 Talaw - takot
85 Tandok - pagtanggal ng lala ng kagat ng aso o ahas
86 Tangal - panglahok sa tuba, binayo na balat ng kahoy (di ko alam kung anong
87 Tuge - mahirap hukayin dahil maraming tinik per masarap ang nilaga
88 Tukil -- pangsahod sa puso ng niyog para makuha tuba
89 Tumikangkang - tumumba na una ang ulo at ang mga paa ay nasa itaas
90 Tungaw -- isang uri ng hayop na maliit pa sa hanip, madalas sa singit ng tao
91 Ulabe - parang ube na kulay puti (mahirap hukayin dahil sa kailaliman ng lupa
92 Uyamutin - magalitin(moody)
93 Tuba - inuming nakalalasing galing sa niyog
Source: Alibata · Ancient Baybayin Scripts Network




nice post. lagi ko kakwentuhan cousin ng bf ko na taga marinduque eh di ko maintindihan few words nila. like yung lamog, meaning pala ng lamog eh maruming damit o labada. hehehe... thanks for the post