"DON'T GIVE-UP ANYTHING, EVER"
Masasabi nating hindi naman lahat sa ating buhay ay tungkol na lang sa mga problema, hinaing o mga pasakit. We have to look at the bright side of life to inspire us more in the performance of our duties and responsibilities.
Although masasabi nating life is routinary, depende na rin sa atin kung papaano natin ito haharapin, gugugulin at pahahalagahan. Alam nating pahirap nang pahirap ang takbo ng pamumuhay sa ating lalawigan o bansa at ito'y isa sa mga dahilan kung bakit marami sa atin ang nagnanasang makipagsa-palarang magtrabaho sa iba't-ibang lugar (siyudad man o ibayong dagat).
In our journey, we usually have our utmost desire with us na kailangan nating maisakatuparan by all means kung baga, and that it's to "look for a greener pasture" na hindi natin kaagad matagpuan sa sarili nating pamayanan.
Sa kabilang banda, hindi naman lahat nang nakikipagsapalaran ay nagtatatagumpay, isang dahilan upang makaramdam tayo nang ibayong kabiguan sa ating sarili na kung minsa'y hindi na lang natin maibulalas upang ating mapangalagaan ang ating sariling kapakanan.
Magkaminsan kasi, when we open ourselves to other people, sa halip na tayo'y maunawaan, they seem to belittle or insult us on our disappointment or frustration. That simply means adding pain to the injured so, sa halip na sila'y makatulong, they increase the heavy loads we are already carrying.
At base naman sa mga katulad naming matagal nang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat - masasabi kong mali ang pag-aakala ng iba nating mga kababayan na kami'y higit na nakaka-alwan sa buhay. Kung baga, as if we are just working in our own country dahil majority of us are not having big salaries. May mga kababayan (OFWs) pa nga tayong naloloko ng mga recruiting agencies (in connivance with the supposedly employers) kaya pagdating sa lugar na pagtatrabahuhan, ang work contract na kanilang pinirmahan sa Pilipinas ay iba sa work contract na pinaiiral sa kanilang bansang pinuntahan.
And there, the problems start na higit na nakaka-apekto sa ating mga kababayan. Iyong mga hindi sanay sa buhay o kalagayang mapalayo sa kanilang mga mahal sa buhay, sila ang higit na dumaranas nang impact ng nasabing problema to the point na nakakagawa sila ng mga bagay na labag sa batas na pina-iiral sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan. Many of our kababayans simply land in conjested
jails, some lost their mental faculty/stability while others, runaway from their job assignments or employers to seek our Embassy's assistance.
Since there are no other individuals who could help these problematic OFWs, doon sila nagsisiksikan sa compound (shelter) ng ating Embahada awaiting resolve to their problems that may take quite sometime dahil hindi lang naman iilan ang mga naroroon (they're in several hundreds to thousands in total).
This scene only shows that "looking for a greener pasture from a foreign land" is not an assurance for a better life. Kanya-kanyang kapalaran lang talaga ang pag-a-abroad. Sabi ng iba, swertehan lang while others claim that it depends on one's destiny kahit naririyan pa tayo sa ating probinsiya o bansa, if something is really bound to happen, totohanang iyo'y mangyayari. Meaning, it's God's Will!
So, kung anuman ang ating mga plano sa buhay, hindi tayo dapat na panghinaan nang loob. Kung hindi tayo nagtagumpay sa paghanap natin ng tinatawag na greener pasture sa ibang lugar, there's no other place like home. Nobody knows na ang atin palang tagumpay ay nasa loob lang mismo ng ating bakuran or probinsiya o bayang ating inalisan. Nagsayang pa tayo ng pagkakataong magpaka-layu-layo at gumastos pa ng malaking halaga upang masabing tayo'y nag-abroad.
Sa kasalukuyang nananalasa ang global economic crisis, dapat na suriin ng ating mga kababayang nagbabalak na mag-abroad ang maaaring maging kahinatnan kapag sila'y matuloy umalis o tumulak patungo sa bansang kanilang pupuntahan.
Some of recruiting agencies are only after the recruitment fees they will get. Although they are aware of the might be dire situation in the OFW's work place, wala silang pakialam sa anumang maaaring kasapitan ng ating walang-kamalay-malay na mga kababayan.
A lot of OFWs all-over the world are already facing work-related problems dahilan sa retrenchment ng mga workers (bagong dating or matagal na) caused by the devastating global economic crisis. Kahit ang mga kompanyang matagal nang pinagtatrabahauhan ng mga dating OFWs natin ay nanganganib na magsara (ang iba'y nagsara na nga) while others are still fighting for survival (50-50, 60-40, 70-30).
These prevailing phenomenon is beyond the control of the companies management as it came into effect, dictated by the worldwide recession. No one can solve this situation at the soonest possible time and it may take years while many of our kababayans (OFWs) are already losing their jobs at nahaharap nang mapauwi sa bansa. I need not elaborate on this matter anymore. It's a bold truth that affect us all, both in our country or those working or residing abroad.
Despite of what's been taking place regarding the global economies, tayong mga Marinduquenos (Filipinos) ay hindi dapat na panghinaan nang loob. What we need in combatting the present crisis is to unite and cooperate for a common goal. Our loccal government officials should encourage, motivate and extend assistance to our citizens. We have a plenty of vacant lands not being properly attended to. The DAR, DENR and DA should work together and meet the local officials (Barangay Association) to draft resolutions and plan a productive agricultural plan to ease our shortage of food that can be produced in our countryside.
Kulang lang tayo sa proper innovation or motivation as well as leaders and followers who could do the job well done. Dumarami na kasi sa atin ang mga tumatambay at tatamad-tamad, gayong kung sila'y hahawak ng piko, asarol atbp., (upang bungkalin ang mga lupang nakatiwangwang (of course, permission should be seek first) pagyamanin ang nasabing lupa, taniman ng mga gulay o root crops, diligan) sa paglipas ng konting panahon, maliwanag na pera ang idudulot nito sa kanila at hindi sila mag-aalalang magugutom.
Others claim na kinakain ng mga nakaligaw na kambing ang kanilang mga pananim. Don't tell me na mas mautak pa ang kambing kaysa nagtanim? Or sabi ni Pilosopo Tasyo, kapag ang kambing na nakaligaw ay manalanta ng mga gulay o pananim, the best way daw ay ....take note!!!.... ang kambing mismo ang itanim, period! Bahala na kayo kung anong ibig niyang sabihin!
Simple life is a very convenient scenario in our province. Kung tayo ma'y nangabigo sa ating ibang pangarap na matupad sa ating buhay, LIFE SHOULD NOT JUST STOP THERE ABRUPTLY. May iba pang pagkakataon at oportunidad na naghihintay sa atin sa banda roon nang bukas. "DO NOT GIVE-UP ANYTHING, EVER" dahilan lang sa tinamo nating kabiguan. We have to start another chapter.
May bukas pang darating, may araw pang sisikat pagkaraan ng magdamag na dilim. Meaning, everything has its end and another beginning! Let's make the most of it. Consider your failure a big challenge to pursue another dream! Surely, you will win what you really aim!
TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia




Post a Comment