"LIVING IN A NUTSHELL"
Eventually, masasabi nating ang kasalukuyang sitwasyon sa buhay ngayon ay totoong sikil na sikil sa napakaraming bagay. Saan man tayo bumaling, ang bumabadya sa ating attention at paningin ay ang mga hindi mapapasubaliang bakas o tanda nang kahirapang dulot ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya.
Ang dati nang mahirap nating kalagayan ay lalo pang pinalubha ng nasabing krisis kaya tuloy hindi na halos natin malaman kung papaano maisasalba ang ating pamilya sa mahigpit na pagkakabigkis ng kahirapan.
Sino naman kaya sa atin ang nagnanais na hindi umunlad ang pamumuhay? Ang kaso, kung ang mga mauunlad na bansa ay sumasablay, tayo pa kayang ang ekonomiya'y aandap-andap ang hindi mahirapan?
In this particular case, even our technocrats na tinatawag ay halos walang magawa upang ma-control ang hindi mapigilang pagtaas ng mga pangunahing bilihin, udyok na rin ng umiiral ng nasabing global economic meltdown.
Sa kabilang banda ang mga negosyante, maliit man o malaki ay hirap ding maka-arangkada sapagkat ang mga presyo ng raw materials ay masasabing @ sky-high level. Apektado tayong lahat sa ating pamumuhay kaya, kinakailangang umisip tayo ng mga praktikal na pamamaraan upang mabawasan o malimitahan natin ang ating mga gastusin sa araw-araw.
Basically, ang mga kababayan nating sa probinsiya naninirahan ang madaling makakagawa ng paraan upang sila'y makatipid sa kanilang gastos sa pagkain, kung sila'y magsisipag lang. Kailangan nilang magkaroon ng self-innovation or motivation at konting pagpapapawis upang ang mga nakatiwangwang na lupa sa kanilang kapaligiran ay kanilang mapagyaman at mataniman ng iba't-ibang halamang gulay, root crops tulad ng kamote (sweet potato) uraro at kamoteng kahoy (cassava).
Sa ngayong panahon, some of our kababayans are like "LIVING IN A NUTSHELL" gayong malaya naman silang makakakilos ayon sa kanilang nais gawin. There's no such limitations being imposed sa ating kapaligiran basta huwag lang lalampas o aabuso sa kagandahang asal.
Compared to those living in other countries particularly in the Middle East that every action/s should be in accordance with the laws and regulations of the Kingdom so as not to be in trouble, ang kaluwagan sa ating bansa ay masasabi nating isang pribilihiyo ng bawat Filipino. We have all the legal rights being citizens of our country kaya dapat natin itong samantalahin alang-alang sa kabutihan at katuparan nang ating mga tapat na hangarin.
Kung alin, ano at saan tayo makakatulong o makikinabang na hindi tayo makaka-perhuwesyo ng ating kapwa, iyon ang ating gawing panuntunan sa buhay. Things will just be alright kahit na may nangyayari pang economic crisis na tinatawag. Ang pagtatanim ng mga gulay at prutas (papaya, bayabas, etc) sa ating kapaligran o bakuran ay hindi nangangailangan ng high technology. Magsipag lang na pagyamanin ang anumang itinanim, pagdating ng ilang linggo o buwan - nakahanda na tayong umani ng ating pinaghirapang itinanim. Gayundin ang pag-aalaga ng ilang (sisiw) manok, itik o bibi. Ito'y tuwirang makakatulong sa paglutas ng ating problema sa pagkain, sa halip na tayo'y bibili sa palengke, sa anumang oras na gustuhin natin, maaari tayong makatikim ng masarap na sabaw o karne ng ating mga pinagtiyagaang alagain.
Sa katotohanan, walang kasing-tulad ang mamuhay sa probinsiya, sariwa ang mga pagkain at sariwa din ang hangin. Sa gilid ng bahay, ang gawing bakod ay sanga ng malunggay. Ilang panahon lang ito'y makakapag- dulot na ng kaagad ng gulay na ating kailangan (dahon, bulaklak o bunga). Sabayan natin ng pagpunla ng ilang binhi (buto) ng patola, upo, kalabasa, papaya at ilang piraso ng luya, tanglad at sili sa gilid ng bakod. Hindi na kakailanganin dito ang anumang commercial fertilizer o pataba sapagkat ang anumang compost o dumi ng mga alaga nating hayup ay sapat nang ibudbod mga sa puno upang madali silang lumago at lumaki.
Kapag ang nasabing sanga ng malunggay at ang mga buto ng gulay ay tumubo at mamunga, siguradong hindi natin makakayang ubusing gulayin ang mga ito kaya, may pagkakataon pa tayong makapagbenta at kumita ng pera diba? Sakalit dumami na ang ating mga alagang manok, itik o bibi, wala tayong gagawin kundi ang pumitas ng mga gulay at panamya sa ating bakuran, saka humuli ng isang manok at ilutong ulam na tinola.
If you try this simple gardening, hindi na kayo mang-iistorbo pa sa inyong kapitbahay or hindi na kayo magagastusan sa pagbili ng mga gulay kung nais ninyong kumain ng buhat sa sarili ninyong pinaghirapan. And then, you will say to yourself: "what a wonderful feeling really" dahil busog na busog kayo ng tinolang manok na ang katapat ay kaning bagong-saing na nilagyan ng ilang pirasong dahon ng pandan. Uhhmm!
Talagang masarap kumain! Meaning, tayo ang nagtanim, tayo ang nag-ani, tayo ang nagbayo, tayo ang nagsaing ----- "Halina't sabay-sabay na tayong kumain"! Ewan ko lang kung hindi kayo makadama ng gutom after reading this article!
TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia




Post a Comment