"HOWEVER LONG IT TAKES"
Tayong mga Marinduquenos (Filipinos) ay may kasabihang "magpakahaba-haba man daw ang prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy".
This is really a very simple and so meaningful na sawikaing kinamulatan natin mula sa ating mga kanunu-nunuan and, this is being attributed to our being a religious Christian nation.
Somehow, hindi lang sa ating relihiyosong paniniwala at uri ng pagsamba nauugnay ang sanaysay na ito kundi higit sa lahat, ito'y natuturol sa ating patuloy na pagsisikap na mabago o mapaunlad ang kalagayan natin sa buhay kung saan, tayong mga Filipinos ay patuloy sa araw-araw nating pagbagtas.
Where there is faith, there's always hope for everything to change for the better if not the best. Kung baga, hindi natin halos inaalintana ang kahirapan ng kasalukuyang pamumuhay sapagkat, hindi lang naman tayo ang higit na naaapektuhan. Mas mapalad pa nga tayong maituturing kumpara sa mga mamamayan ng iba't ibang mga bansa sa buong mundo.
And since we are not used to major catastrophic climatic changes (maliban sa mga bagyong madalas dumadaan at nananalasa sa ating kapuluan, gayunding ang mga pagbahang kaakibat nito at manginlan-ngilang trahedya sa karagatan) unlike other countries in Europe, Canada and America where temperatures are two digits below zero (freezing point), masuwerte pa rin tayo sa Pilipinas diba?
Kung tutuusin, tayong mga Filipinos ay tunay na mapalad sapagkat, kahit anong kagutuman ang dumating sa ating bansa, compared to other countries in the whole of Africa, we can still manage and survive our ordeal. Marami sa atin ang masisikap, masisipag at may lakas ng loob o determinasyong malutas ang anumang pinoproblema sa maayos na pamamaraan whatever it may be.
Basically, (one more thing) most of our citizens are literate, marunong bumasa at sumulat kahit na ang pinakamatatanda (most seniors) and they pass this good trait from generations to generation. Ibig sabihin, maraming magagandang katangian tayong mga Pinoy kumpara sa ibang tao "saan mang panig ng mundo" (Sakamar). Hindi ba't ito'y sadyang maituturing na tayo'y masuwerte pa rin kaya lang, kung anong suwerte tayo meron, may katumbas itong kabalintunaan o kabaliktaran ng mga totoong nangyayari.
Hindi natin maaaring bigyang pansin lang ang mga mabubuting bagay tungkol sa ating mga mamamayan at kaugalian. Marami din tayong mga saramulyong tinatawag, mga halang ang bituka o kaluluwa, mga mapag-samantala, mga walanghiya, corrupt at mapagmataas, lalo na ang mga abusado sa katungkulan.
So, if we will only analyze the situation we are in, we will be able to check and balance the situation, saka pa lang natin masasabi kung saan talaga tayo nabibilang: sa linya ba ng kaiga-igaya ang mga katangian or vice versa.
On the other hand, hindi naman natin dapat idamay ang mga mabubuti sa ating populasyon. Kung maraming masasama sa ating lipunan, higit pa ring nakakarami ang may mga mabubuting puso at kaisipan. Ibig sabihin, majority pa rin sa ating mga Pinoy ang may dakilang kalooban, may takot sa Diyos at patuloy na nakikibaka sa paglutas ng kahirapang dinaranas nila sa buhay.
Samantala, malayo pa ang ating lalakbayin segun sa itinakda sa atin ng Diyos, "HOWEVER LONG IT TAKES", we always have the perseverance in pursuing our dreams, dreams to achieving better opportunities and prosperity in life. Dreams that someday, will be fulfilled, our dream come true, indeed.
TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
20 January 2009 / 23 Muharram 1430 H




Post a Comment