"HOME IS WHERE THE FAMILY IS"
Our barangays, towns, provinces, even our country as a whole, whatever its present economic situation, it will remain as it is ever geographically.
Although things that are involved with it are its variables, it considerably account to its major physical transformation.
Our citizens how poor or affluent they are, form the nucleus of our society though, organizations of numerous identities (be it social, religious, political, etc) sometimes serve as the root / base of various influences that significantly affect the core of our entire populace.
As well, it can't be denied that the afore-mentioned various influences send strong signal and great impact to every members of a family and clan, whatever affiliation they have.
Samantala, kinagisnan na nating mga Marinduquenos (Filipinos) ang kagandahan nang buhay sa ating mahal na probinsiya however and whatever our social and economic status are, basta sama-sama tayo sa pamilya, nagkakatuwaan, nagkakatulungan sa maraming bagay. Kung baga, through thick and thin, sa hirap at ginhawa (tulad ng mag-asawa) hindi natin alintana ang masyadong kahirapan kapag kapiling natin ang ating buong pamilya diba?
Ang mga magulang na siyang nagsisilbing haligi at ilaw ng isang tahanan (kanilang mga anak) kahit sila'y salat sa maraming mga materyal na bagay, basta sila'y kumakain ng tatlong beses maghapon, maayos ang kalusugan at nagkakatulungan sa simpleng kabuhayan, life is indeed a wholesome living para sa kanilang buong pamilya.
Subalit ang panahon ay nagbabago, patuloy sa hindi mapigilang pagbabago na nagdudulot o nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng isang mabuti o huwarang pamilya. Ito ang bagay na mahirap iwasan lalo na kung ito'y nauugnay sa pagpapaunlad ng kabuhayan.
Sometimes, we have to make firm and hard decisions, decisions that are in one way or the other paving the way for us to being apart from our loved ones for the sake of seeking greener pasture in the cities or even abroad. And there, a just simple-petty problem (when) it crops-up without our notice, it spawns to bigger and harder situations that sometimes, we ourselves cannot immediately solve.
At sa (mga) miyembro ng isang pamilya na napalayo sa kanilang mga mahal sa buhay, it is really very hard to withstand being alone living ourselves. Napakahirap talaga lalo na ang mga nasa ibayong dagat naghahanap-buhay (OFWs). Hindi maiiwasan ang tinatawag na tears or fears against earning a dollar na kaakibat ng hindi maiiwasang homesickness lalo na sa unang panahon nang pakikipagsapalaran.
Hindi lang ito, marami ding sorts of temptations na kung mahina ang pangontrol o determinasyon ng taong concerned, lahat ng kanyang mga magagandang pangarap sa buhay lalo na ang para sa kanyang pamilya ay unti-unting nagkakaroon ng ulap hanggang sa tuluyang lumubha ang panahon. Guguho itong tila isang kastilyong buhangin na binuo sa pamamagitan ng pangarap.
This is just an ordinary scenario na nangyayari sa buhay ng maraming OFWs. Dapat sana'y hindi mangyayari ang ganitong sitwasyon kung sila lang ay magiging tapat sa kanilang mga sarili at ang kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas ang kanilang uunahing bigyan ng pagpapahalaga at pagmamahal.
In some instances, maraming napapariwara at marami din ang humahantong sa mga siksikang bilangguan sa inayong dagat sa dahilang sila (OFWs) ay lumalabag sa mga batas ng bansang kanilang pinagtatrabahuhan lalong-lalo na dito sa Middle East (na tinaguriang "Bilangguang Walang Rehas") na napaka-istrikto o napakahigpit sa pagpapairal ng kanilang mga kautusan na naaayon sa Shariah Law.
Sa kabilang banda, hindi naman natin masisisi ang ating gobyerno sa pagpapahintulot o pagpapadala ng mga (OFWs) manggagawa dito sa Middle East dahil isa ito sa mga top-regions / countries that provide billions of dollars in form of monthly remitances that our country badly needs for its foreign exchange transactions.
Kung minsan nga, naiisip ng ibang mga kababayan natin na, ang mga OFWs ay nagiging kasangkapan lang ng ating bansa at ang OFW Funds ang nagiging sanhi sa iba't-ibang uri ng corruptions sa maraming sangay ng ating pamahalaan. There were instances at napapabalitang ang mga OFWs ay iginigisa ng ating gobyerno sa kanilang sariling mantika base sa iba't-ibang (illegal) transactions na nakikita ng iba't-ibang cause-oriented groups.
Dati, may kasabihan tayong kapag may usok, may apoy! Pero hindi naman lahat ay kumbinsido sa bagay na ito. I may say na neutral lang ako dahil, may mga bagay na inaakala nating may apoy dahil may umuusok, pero kung ating susuriing mabuti - hindi naman pala apoy ang umuusok kundi "DRY ICE".
Generally speaking, this merely proves that bago tayo humusga o husgahan sa anumang ginagawa natin, dapat lang na tiyaking magkaroon ng proper investigation to give the benefit of the doubt. Usually kasi, sa mga maling impression o haka-haka nagmumula ang mga malalaki o grabeng iskandalo. It can be fully averted or avoided naman should we be transparent in all our actions para mapangalagaan din natin ang kapakanan ng ating mga pamilyang naiwan sa Pilipinas na patuloy na umaasa sa ating suportang pinansiyal at hindi lang moral.
Somehow, homesickness can't be totally avoided lalo na sa mga OFWs (kung ang mga nasa Manila lang nagtatrabaho eh naho-homesick sa mga naiwan nila sa Marinduque - how much more kaming mga ibayong dagat na hindi kara-karakang makaka-uwi segun sa anumang pangyayari).
And there are a lot more circumstances na maiba-base natin sa subject matter na ito "HOME IS WHERE THE FAMILY IS".
Practically speaking, we ourselves are the ones responsible sa ating mga salita gayundin sa ating mga gawa. I-ugnay natin ang mga dapat i-ugnay sa topic na ito na totoong na nangyayari sa ating buhay, saka natin hatulan mismo ang ating sarili. Are we really that meek and mild, pure and simple or the other way round?
TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
26 January 2009 / 29 Muharram 1430 H




Post a Comment