"DAYS OF OUR LIVES"
Day-in, day-out! Ganyan lang ang takbo ng ating buhay sa araw-araw na "ginawa ng Diyos" (isang kinamulatang kasabihan sa ating probinsiya). Ano pa nga ba, diba? And whatever it is, nasanay na tayong mga Marinduquenos sa ganitong klase ng buhay: ang gumising nang maaga para makapag-handa sa paghahanapbuhay kung anuman ang ating pinagkukunan ng makakain o pinagkakakitaan sa madali't-sabi.
Life is so simple na matatawag sa atin. Sa aming mga naninirahan sa malapit sa dagat, hindi ko makakalimutan sa aking tanang buhay ang paggising nang napakaaga kahit noong kami'y mga maliliit o musmos pa lang. Of course, hindi upang maghanapbuhay kundi ang umigib ng tubig sa iisang boluntaryang sinasabi (source of water na ngayo'y isa na lang kongkretong tangkeng nakatayo at wala nang silbi). Noon, pila-pila ang mga balde na ang sistema ng iba, kahit butas eh ipipila para lang makarami and then, papalitan nang maayos na balde kapag malapit nang makasahod ng tubig.
Just imagine kung gaano ang hirap ng buhay sa panahong iyon na walang maayos na serbisyo ng tubig at maging kuryente. Ewan ko, pero palagay ko'y alam ng iba sa ating ang "LAG-IH" na tinatawag na nakagisnang gamiting pang-ilaw sa ating paglalakad sa kadiliman ng gabi.
(Ang "lag-ih" ay isang maliit na pirasong dahong tuyo ng niyog na binalumbon (tinalian) upang huwag mabuwag at ito'y sinisindihan sa dulo para magbigay ng liwanag habang naglalakad, dahan-dahan itong iwinawasiwas upang hindi mamatay ang sindi. Malaki ang naitulong nito sa atin sa mga panahong lumipas na walang serbisyo ng kuryente sa ating mga lilib na pook o kanayunan).
Nagbabalik nakaraan lang ako sa puntong ito sapagkat, maaaring ang iba sa ating mga nakarating na sa mga malalayong lugar lalo na ang mga asensado na ang mga pamumuhay ay unti-unti nang nakakalimot sa kanilang pinagmulan. Iyon ang nakakalungkot isipin, subalit kung sa gitna nang kanilang mga mabubuting tinatamasa sa kasalukuyan ay manunumbalik pa rin sa kanialng isipan ang kanilang simpleng pinanggalingan (hirap nilang kalagayan sa panahon noong una) at pamumuhay sa nakaraan, masasabi nating break-even-point lang. Maituturing pa rin silang mga nagmamahal at nagpapahalaga sa ating mga kinamulatang kaugalian at tradisyon sa probinsiya.
Wherever we are , lagi nating nasasabi na "THERE'S REALLY NO PLACE LIKE HOME". Gaano man ang hirap na ating pinagmulan or magpahanggang ngayo'y pinagsisikapang alpasan, tila tayo mga ibong walang kapaguran sa paglipad sa hangaring makapag-hanapbuhay o makakita nang makakain, and at the end of the day - despite our pagal na katawan at kaisipan - we always think of our home, where we can relax, we can be with our family members at sabay-sabay na kakain.
Tayong mga Marinduquenos ay likas na masisikap at masisipag, magalangin at matulungin - simbolo ng ating simpleng kaugalian at pakikipag-kapwa tao. And although, hindi na gaanong uso sa ngayong makabagong panahon, our folks are still engage in "BAYANIHAN" na isa sa ating pinakamagandang tradisyon sa pakikipagtulungan sa ating kapwa o mga kabarangay.
There are still Marinduquenos out there (nagkalat sa iba't-ibang panig ng mundo) na sa kabila nang kanilang tinatamasang kaunlaran sa buhay, inside themselves - hindi nila maikakaila at maitatanggi ang kanilang mga naging karanasan noong sila'y sa mga kanayunan o lilib na pook pa dati nanirahan.
Of course, they are missing our province first and foremost, our unforgettable customs and traditions at palagay ko, ang mga hindi nakakaalalang umuwi or tunay nang nagtakwil sa ating mahal na lalawigan (kung meron man) ay mabibilang lang sa ating mga daliri. Maituturing na sila iyong mga kababayan nating nagkaroon ng hindi mabuting karanasan na nais nilang matakasan o lubos na makalimutan, kahit na labag sa kanilang kalooban. And we just hope they will be able to recover and be back to where they truly belong.
Samantala, magiging mga ipokrito (at ipokrita) tayo kapag hindi natin aaminin sa ating mga sarili na kahit saan man tayo makarating, Marinduque pa rin ang center or focal point ng ating isip kapag tayo'y nagkakaroon ng pagkakataong magdili-dili at magbalik-tanaw. Sometimes pa nga eh napapangiti na lang tayo kapag may mga magagandang bagay tayong naaalala at hindi rin maiwasang malungkot din kapag may nababalita tayong wala na pala ang ilang mga taong malapit sa atin gayundin ang mga kaibigang naging kasangga natin noong tayo'y maliliit o musmos pa.
Truly, life is like a song, there's a beginning as well as its ending. And I'm sure, many of you will agree with me sa "awitiin ni Frank Sinatra na may pamagat na "MY WAY". If you will only concentrate on the message the said song conveys, the simplicity of its meaning will deeply drive you to where your life was and will be. You have the right, the ultimate right to do things in your own way and without any regrets at all, should you miss your aim. The decision made was yours and yours alone to own.
Sa totoo lang, maraming magagandang bagay o karanasan tayong mapapagkalibangang isipin lalo na kung tayo'y nag-iisang namumuhay sa malayong lugar at nalulungkot (homesick) sa ating mga mahal sa buhay. This thing usually happens to us OFWs at depende na nga sa amin kung papaano namin ito mapapaglabanan. "MY WAY" song is just like an inspiration to many of us (tulad ko) at ito ang isa sa mga pinaka-paborito kong awitin. Kaya lang, sa mga nakalipas na ilang panahon hanggang ngayon, ang nasabing awitin ay naisasangkot o nagiging dahilan nang mga hindi magagandang pagkakataon (patayan kung baga). I don't know (pero sa ating bansa), maraming beses na naming nababasa sa mga local newspapers natin na ang awiting "MY WAY" ay naging dahilan na naman sa nangyaring kaguluhan o patayan. Kayo rin ba'y nababahala?
Sa inyong opinyon (sabi ng iba) ito daw ay isang awiting umaakit ng kamalasan? I don't think so, dahil ito'y sumikat sa buong mundo sa maraming panahon magpahanggang ngayon. Ang nag-uugnay lang sa awiting ito ang hindi maayos ang hangarin at kaisipan, ang tunay na matatawag na malas sapagkat hindi nila totoong nabibigyan ng magandang pakahulugan ang nasabing awitin.
Kung baga, it's like our ownselves. We were given our normal body faculties lalo't higit ang ating isip. Kapag hindi natin ito gagamitin sa tama o makabuluhang pamamaraan, we will definitely go down the drain, na in the long ran ay ating pagsisisihan diba?
So, ang ating mahalagang buhay ay dapat nating mabigyan ng kaukulang pagpapahalaga. The
"DAYS OF OUR LIVES" serve as our memento habang tayo'y naririto pa sa mundo, as well as kung tayo'y dumating na sa dulo nang ating paglalakbay. Things would be better of for us kung tayo'y may mga nagawang kabutihan hindi lang sa ating mga sarili kundi maging sa ating kapwa. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang mga mabubuting butil na ating naitanim sapagkat ito ang magiging daan upang higit pang yumabong ang ating mga magagandang simulain sa buhay.
Let the next generation propagate what we have sown through our perseverance and hardwork, and let them harvest the sweet fruits of our sacrifices. Everything like a song (again) has its own finale.
MABUHAY TAYONG MGA MARINDUQEÑOS, MABUHAY ANG MARINDUQUE!
TONY R. MONTERAS (malaking ibon)
OFW, Riyadh, Saudi Arabia
28 January 2009 / 02 Safar 1430 H




Post a Comment